Caution: Hard Hat Area

BananaMan Update: version 2.0

Posted in Random Thoughts by akosibananaman on May 27, 2009

Wala lang. Dahil naisip ko lang na makapag-blog ulit at ma-update itong WordPress account ko.  Shit. Crap. Fuck. Wala talaga ako ibang sasabihin dito kundi mga kung anu-anong nyaw nyaw na naman. Oh well, ito na. Update ko lang kayo.

Una, tapos na ang aking OJT at nalalapit na ang pasukan kung saan ako ay isang, wait for it, incoming graduating student! Palakpakan naman dyan! *applause sound effect playing in background*

Sa wakas, pagkatapos ng anim at kalahating taon ng pagtambay sa loob at labas ng paaralan, matatapos na rin ang kalbaryo ng mga magulang ko. Masusulit na rin ang kuwartang nilustay nila pambayad sa aking matrikula, ang mga na-kickback ko sa lahat ng gastusin at ang pagbili nila ng bagong uniporme, ballpen, notebook ng artista, at deodorant para sa akin tuwing pasukan.

Walang ka-highlight highlight ang bakasyon ko. Put*ng ina. Ayun. Meron pala. Umattend ako ng CEGP Conference. Astig sobra. Marami akong nasaksihan doon. Nag-uumapaw ng mga astig na tao. Isa na doon si Kuya Jepoy.

Hindi ko na ilalahad lahat ng bagay na tungkol kay Kuya Jepoy dahil baka isipin niyo e type ko siya dahil meron siyang abs. Pero ang galing niya (hindi dahil sa kanyang abs). Isa siyang bayani. Alam niyo ‘yun. Kung tutuusin e kaya niyang magkaroon ng matiwasay na buhay para sa kinabukasan niya. Magkaroon ng pamilya and the like pero isinantabi niya ang mga bagay na para sa sarili niya para ipaglaban ang karapatan ng mga tao sa mapayapang paraan. May ganoong tao pa rin pala.

Bigla kong naisip na there’s still hope for the Philippines if we had more people like him in our government. If our government were ran by people who cared. Kung tayo mismo ang magloo-lookout para sa kapakanan ng mga kababayan natin. E put*ng ina, ‘yung mga TnT sa ibang bansa, naloko na ng illegal recruiter, oonsehin pa ng mga walang kwentang kababayan natin at isusumbong para saan? Para sa put*ng inang reward. Be proud motherfuckers. Pera lang katapat niyo.

*hingang malalim*

Alright let’s stop at that. Nag-iinit lang dugo ko. The other one that amazed me was Ate Heidi. Simpleng babae. Pero matindi ang paninindigan para sa pagbabago rin ng bansa. Dedicated. Hands down ako. Wala na ako masabi kase feeling ko pag umabot ka (oo ikaw na nagbabasa) hanggang dito, e malamang antok ka na at sinasampal-sampal mo na sarili mo para magising.

Balik sa akin ang blog, wala akong kinababaliwang babae ngayon (pwede mo itanong saken kung ano number ko, wag ka mahiya. Ahihi *blushes*). Wala rin akong maipagmamalaki pa sa ngayon. Pero pagdating siguro ng BananaMan Update: version 3.0 e baka meron na kahit konte. Sige na, ang haba na nito. Ikamusta mo na lang ako sa nanay mo. At pakisabi nga pala dun sa nagxe-xerox sa NSO, t*ngina niya, ang mahal ng tinda niya.

Advertisements
Tagged with: , ,