Caution: Hard Hat Area

The truth about love

Posted in Emo by akosibananaman on August 5, 2012

Ikaw, ako, tayong lahat. May kanya kanya tayong mga kahulugan ng pag-ibig. Maaaring ito’y para sa iyong mga magulang na hindi nauubusan ng pang-unawa sa’yo, pwede rin namang para sa aso mo na sa tuwing makikita ka’y ang buntot niya’y nagmimistulang wiper ng kotse sa kalagitnaan ng malakas na bagyo.

Noon, akala ko ang pag-ibig ay isang napakasarap na pakiramdam na babalik-balikan mo. Nakakaadik. Nakahuhumaling. Ayaw mong tigilan. Parang canister ng Pringles na bagong bukas. Ganon. Marahil ay inaasam-asam mo ito ngayon o baka naman ay natagpuan mo na. Ngunit hindi lamang pala ito ang hatid ng pag-ibig sa’yo kaibigan. Tulad ng maraming bagay, ang pag-ibig ay mayroon din yin sa kanyang yang. May ka-akibat rin pala itong pasakit. Pasakit na maaaring magdulot sa’yo ng pinakamalungkot na kalungkutan. It’s a fuckin’ double-edged sword so be fuckin’ careful what you fuckin’ wish for. Pero syempre, joke lang. Kung inaakala mong tungkol sa paglalaslas, sa pagiging baliw sa pag-ibig, sa pagluluto ng pansit, o sa tamang paraan ng pag-amoy ng kilikili itong blog post na ito. Hindi. Wrong. Engkkk.

Joke lang ulit. Tungkol ito sa pag-ibig, well, in a good way.

Ang pagmamahal ng totoo ay kahit na nasasaktan na tayo at pinagdudulutan ng pinakamalungkot na kalungkutan, nakikita pa rin sa mga malalaki nating mga mata ang pag-asa. Pag-asa na muling babalik ang pinakamatatamis na salita na ingunguyngoy ng ating iniibig. Na muling babalik ang pagkasabik natin sa bagong canister ng Pringles. Na muli tayong mag-HHWWPSSPSL.

True love means sticking with each other. Huwag kayong umasa na mangyayari sa inyo yung mga napapanood niyo kila John Lloyd at Bea. Kila Gerard at Kim. Maaaring totoo ito, pero napapanood lang natin ang gusto nating makita. Hindi natin nakikita yung back-end, yung totoong nagtatrabaho to make the relationship work. At ito yung dalawang tao, na kahit sawang-sawa na sa sisig at grilled porkchop sa Faustina ay masaya pa ring kumakain ng magkahawak-kamay. That my friends, is true love.

Diba Myla La Torre? 🙂

Advertisements

One Response

Subscribe to comments with RSS.

  1. Mymy said, on April 26, 2013 at 11:48 am

    I love you. I miss you. I miss us.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: