Caution: Hard Hat Area

My action-packed thriller blockbuster deals of 2011

Posted in Uncategorized by akosibananaman on December 31, 2011

Kamusta mga friends? Recap lang natin mga highlights ng 2011 ko para naman masabing may naikwento ako dito sa blog. Baka kase kako nagtatampo na kayo, e busy lang talaga ‘yung tao. 🙂

January – Choco loco nights sa poolside ng Riverfront, tambay nights sa 1608, at kantahan sa loob ni NQB (all three done with Lito and Lita), job hunting.

February – First job na hindi family-owned, first paycheck, Chic boy nights, start ng no-meat diet.

March – First laser tag game, pinagyaman ang pag-ibig para sa Chicboy at para sa isang dalaga. 🙂

April – The Script concert, First La Union trip, first 50-ft. wall climb, first 50-ft. rappel, end ng no-meat diet, potluck at CityLand P. Tamo, nabigo ang pag-ibig na pinagyaman noong Marso, nakilala ko si Myla sa totoong buhay. 😦

May – Kasal ni Iki (Robby Ong), naging stalker kay “Jessica” na usher ng kasal ni Iki, pinadalhan ako ni Myla ng choco cake na galing Korea  kahit hindi kami close dahil nagtampo ako at hindi ako nakakain ng birthday cake niya.

June – Chillax lang ang June.

July – Chillax lang din ang July. Ay shit! Incubus concert!

August – First Laoag-Vigan-Pagudpud trip, first planking photo, Paoay church is just amazing, nakuha ko na ang number ni Myla.

September – Nag-date kami ni Myla (sumimba, kumain sa isang karinderya, nagkape), first Sambokojin encounter, first overnight sa office.

October – Birthday namin ni Abet syempre.

November – Sorry, pero puro Myla itong buwan na ito. Date sa Greenhills, date sa World Trade, date sa Megamall (date lang ng date!), first 5K run, first Crave burger, first 13th month pay, first girlfriend ng 2011 (joke lang). :p

December – Christmas parties!!! First Vikings buffet, naglipat ng bahay (from Cristobal to Moret), naadik na ulit sa Coke (the soda), first bluetooth headphones (thank you!), unang Christmas party ko sa isang opisina (hindi man lang nanalo sa raffle, shet), Christmas dinner with the pinsans at Chili’s.

 

There you have it! Quick recap ng 2011 ko. Oh, naka-catch up ka na? Medyo okay naman. Feeling ko 2011 will forever be etched in my heart (wow). Still, bottom line is in love ako. Tumalino at kumeso. Feeling ko mas marami akong matututunan sa 2-0-1-2. So bring it on. Let’s do this!