Caution: Hard Hat Area

Tandang pananong

Posted in Emo by akosibananaman on May 13, 2010

Blog.

Ayun. Kamusta? Nakapagtapos na nga pala ako sa kursong aking napili. Ayun. Katulad nga ng sinabi ko e masarap talaga ang pakiramdam. Napakasarap. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na ‘yun na inilipat ng aking ama ang tassel ko mula sa kaliwa papuntang kanan. Power steering ang tassel ko, FYI. At kinamayan ako ng dekano namin at syempre, ng mga propesor kong single and ready to mingle. Seriously? Who wants a date?

Pero ano na ang kasunod? Alam mo bang wala akong ka-plano plano sa buhay ko? Meron pala. Marami akong plano. Sa dami, hindi ko alam kung ano ang isasakatuparan ko. Ni hindi pa nga ako makapag-impake ng mga gamit ko e. ‘Yung mga brip ko hindi pa nalalabhan, andun pa ‘yung¬†skid marks. Eeww. Ay nakalimutan ko pala sabihin sa ‘yo na papunta na ako ng Manila. Oo. Paluwas na ako bukas, para mag-review para sa nalalapit na Board Exams ng propesyong aking napili. Anim na buwan. Sana naman maging productive ako. Tangina. 24 anyos na ako sa darating kong kaarawan. Umayos naman sana ako, ‘di ba?

Marahil e takot pa rin siguro ako sa real world na kung saan e kelangan halikan mo lahat ng pwet na dapat mong halikan para manatili sa trabahong gusto mo o ‘di kaya’y magtiis sa trabahong ayaw mo dahil kelangan mo ng experience. Kaya ko naman e. Pero minsan hindi na ako maka-relate sa mga kaibigan ko na puro trabaho ang pinag-uusapan. Minsan nga nakikitawa na lang ako ‘pag nagtatawanan sila, nakikigulat ‘pag tipong nagulat din sila. Parang “Ano?! Pumapasok ka sa opisina ng walang brip at bukas ang zipper?” Parang ganyan.

Sa tingin ko kelangan ko na simulang seryosohin ‘tong buhay na ‘to if ever I still want the things I want. Pero katulad ng maraming tao, maraming simula na ang nagawa ko. Marami na rin akong nabigong simula, mga simulang hindi nasimulan, at mga sisimulang hindi pa nasisimulan.

Bahala na si Batman. Ganun naman lagi e. Things would work out. Cowardice, specialty ko talaga ‘to. Siguro I’d have to man up to live up to my expectations for myself. Chances are slim that that would happen pero I’d give it my best shot. Sa tingin mo, dapat ba akong mawalan ng pag-asa? Shempre hindi. Optimists kayo e. Good for you! I would like to end this blog with an intellectual quote sana but I can’t think of any. Sorry. Kaya ‘wag na lang siguro. Pwede question mark na lang? Parang buhay ko in the next few years.. ?