Caution: Hard Hat Area

Tao po.. Tao po.. Namamasko po..

Posted in Random Thoughts by akosibananaman on November 16, 2009

Parang gusto ko maging active dito. So ito, ipo-post ko ang wishlist ko para sa darating na Pasko. Regaluhan niyo ako ha? Thanks!

Wishlist:

1.) Kalaban sa suntukan na hindi lumalaban preferably buhay na tao na hindi umaaray.

2.) Kung ang mga printer ngayon ay merong unlimited ink, gusto ko ng tasa na naglalaman ng unlimited na kape at hindi lumalamig.

3.) Isang pares ng brand new lungs.

4.) Masasarap na pagkain na walang halong cholesterol, fats, salts, o kung anumang sangkap na nakapagpapataba at nakamamatay.

5.) Isang diet program na hindi nag-iinvolve ng pagda-diet, pag-gising ng maaga para tumakbo, o mga bagay-bagay na nakakapagod.

6.) Cellphone na pwede akong magreply sa nagtext sa akin sa pamamagitan ng telepathy.

7.) Alarm clock na hindi ko kailangang magising at pindutin habang sinasabi ang mga katagang “5 minutes pa”. Gigisingin ako nito kung anong oras ko kailangan o gusto.

8.) Electric fan na merong supersonic waves na pumapatay ng mga lamok.

9.) T-Shirt na merong auto-fit na pwedeng i-complement ang aking mala-adonis na katawan however which way I want it to.

10.) At ang huli, isang pares ng sapatos na hindi magkapares pero mukhang cool.

Aasahan ko ang inyong mga regalo kase siyempre binasa niyo ‘to. Paki-PM na lang saken kung kelan at saan mo ipapadala. Thanks! Merry Christmas!

Pare, pa-blog.

Posted in Random Thoughts by akosibananaman on November 15, 2009

Sa totoo lang, matutulog na talaga ako. ‘Di ko rin alam kung bakit ako andito ngayon at nagta-type ng kung anu-ano dito sa bagong linis kong keyboard.

Teka, ano nga bang gusto kong iparating? Ahhh.. Wala pare. Napansin ko lang na wala na akong ina-update dito na may kabuluhan. Eh ayun, ‘eto namang post na ito e wala pa ring kwenta. So yun, okay naman siya.

Limang buwan na lang pare, ga-graduate na ako. Ang sarap maghintay. Ang sarap ng pakiramdam na bawa’t araw na nagdaraan e unti-unting napapalapit ako sa entablado na kung saan ang pangalan ko ay isisigaw. Totoo na kaya ito? Sana naman. Dahil kung hindi, katakot-takot na sermon at kutos na naman ang aking matatamo mula sa aking mga magulang. They have paid their toll now it’s time to give them their expressway. (lab0)

Pero tol, langya. Pakiramdam ko pa rin I still have to fulfill something. Meron akong kailangang maramdaman para maipagpatuloy ko ng maayos ‘to. Marahil ay pag-ibig. Pero maraming klase ng pag-ibig so hindi ko na rin i-specify. Baka kailangan e maramdaman ko ang pagmamahal ng isang electric fan. (‘di ako defensive, nililiwanag ko lang) O kaya ng alas na puso, para manalo man lang ako sa tong-its o in-between.

Anyway, ayun. Wala na namang kwenta. Itutulog ko na lang siguro ‘to. Teka, yosi muna tayo.